good thing…
September 7th, 2006 by dosflameSomewhere out there’s BLOGSPOT!!! so c’mon and visit my blog now!
hahahahaha!
DOS!
Somewhere out there’s BLOGSPOT!!! so c’mon and visit my blog now!
hahahahaha!
DOS!
hello! Nag update na po ako ng blog ko! hehehe..
my post for the week is about a coffee…
There is a coffee, said to be the rarest in the world that is found only in the Philippines…
Be prepared, you might throw up…
visit
www.dosflame.blogspot.com
to read more about it…
visit nyo nalang… actually, thats my first blog, trying to revive…
i hate friendster blog kasi, walang added "Features"
okay? visit nyo nalang…
dosflame.blogspot.com
visit it okay?
Milagro ang nangyari last tuesday (July 4, 2006) dahil in good mood si Maam Borican at pinapunta pa kami sa 3rd UP Gawad Plaridel honoring Fidela "Tiya Dely" Magpayo. ( Its actually our 3rd time na pumunta dito…) then si Sir Fil ay in good mood din at nagpa-assignment siya to interview 10 pedicab drivers and 5 student activists para gawan ng news report. (Good mood ba talaga?) then pumasok ang Replacement Prof namin sa Politics and Governance…
(Actually, walang relevance ang mga pinagsasabi ko sa blog entry ko ngayon.)
(Actually meron pala…)
Sa klase namin sa Politics and Governance,
may isang cute na PUSA na Kuting.
PUSING. nakatago siya doon sa upuan. Tapos
pinaglaruan namin siya…
Tapos pagkatapos ng klase, picture taking with the guest PUSING…
Tignan nyo ang mga reaction ng aking mga kaklase at ako din… hehehehe
Ate Lalaine - Tender Loving Care
At Finally, Si Penny
Penny - Naaawa… (with expressive eyes…)
(KORNY KO TALAGA…)
Anyway, i’ll post the pics doon sa Plaridel for your consumption. (Maglagay ng baso ng tubig sa tabi at baka mabilaukan…) (L-R: Ate Jen sa LRT2, Rei and the Metropolis, Joja-Osang with lonely Jennibeth sa likod, Inside Cine Adarna w/ Ate Jen, Vin and Debbie; Ate Deng pa-model, Rei and Ate Deng, DengDos, Interiors of Cine Adarna.
Its so sad to know that there were very few Filipino writers that makes literature in TAGALOG.
Si Ate Jigs kasi, ay may project at nagpapahanap ng mga Filipino novels written in English. Since ako ang medyo "librarian" sa bahay namin, eh bigla akong sumugod sa library sa 2nd floor at naghahalungkat ng mga libro. Eto nakita ko:
Nakakalungkot diba. Nagpunta rin ako sa local library saka bookstore at ganun di ang nakita ko.
85% English 13% Tagalog 2% Major Dialects
Nakakalungkot talaga. Nagde-decline na talaga ang mga Filipino Readers sa Filipino Literature (Except nalang sa bagong henerasyon na mambabasa ni Bob Ong)
So, I praise Lualhati Bautista, Uro Dela Cruz, Liwayway Arceo, Bob Ong, Etc. dahil sa pagsusulat nila sa Tagalog/Filipino.
* * * * * * * * * *
Anyway, ngayon, nahuhumaling ako sa Kalye ng Escolta at Carriedo.
Nagpakwento pa ako sa aking napaka funny na Lola tungkol sa Calle Carriedo.
(Sa mga hindi nakakaalam kung ano ang Carriedo, ito ay isang Kalye na malapit sa Quiapo na pinasara ni Atienza upang maging isang Pedestrian Lane.)
"Ang Carriedo pala dati ay parang Cubao ngayon. Puro ito mga department store."
Yan ang super brief history of Carriedo. Wala lang ako sa mood magkwento.
Anyway, pumunta kami nila Booma, Elmo, Ate Lalaine, Kishi at Angel doon after
the enrolment.Super Saya at ako, being a frustrated archaeologist ay manghang mangha sa mga olde-style buildings doon. Kaya, super eye treat sakin! Kaya lang, di ito plinano kaya wala akong dalang cash. So, window shopping nalang…

Pumunta kami sa National Bookstore Carriedo with 6 floors at walang tao. Doon, read-to-sawa kami. Natapos ko na ngang basahin ang libro by Frank Schuler at Robin Moore na "The Pearl Harbor Cover-Up" na naglalaman sa mga sikreto tungkol sa Pearl Harbor noong WWII. Una ko itong nabasa sa National Book Store Shangri-la Plaza, Tinuloy ang pagbabasa after 2 days sa National Bookstore Crossing (nung di pa ito nire-renovate), after 5 months ay tinuloy na naman ang pagbabasa sa Book Sale Megamall at natapos ang pagbabasa sa National Bookstore Carriedo. Di ko malaman bakit di ko ito binibili eh napakamura naman lalo na sa Book Sale na itoy may halagang Bente Pesos.
Kaya pala di ko ito nabili ay mayroon na kami sa bahay that dates back to 1976! OMAYGUDNIS! Nagpakahirap pa na basahin in INSTALLMENTS eh meron naman samin. So ayun, nabadtrip ako.
(From left: Kiss namin ni Elmo on both sides of a glass pane. [ I'll never kiss a man! Yucks!] Next, Booma’s endorsement.Finally, Kishi and her moment with the, uhm, floor..)
After that, (really Im not IN THE MOOD (for love) to write.) umiwi na kami. Iposted some pictures to recoup sa aking kakulangan.
okay?
DoS
(Sino yun? Mukhang distorted ang mukha that reflects
to "her" or rather "it’s" agendas… Malihim!)
(Agree ako kay Booma. Ayaw mag-open ng pic upload tool ng Fster blog [naki Fster narin eh])
Yah! buti naman nagkaroon din ng time makapagblog (namiss ko to. sasabog pala utak ko pag di ko maiblog ang buhay) haay… sobrang busy ngayong bakasyon… Endless things to do… (Short film, contests, reunion with highshool friends, losing weight, setting up my… basta!) Pero maganda naman ang mga nangyayari. May momentum! spontaneus!(tama ba spelling?) haay… lets see… Kwento ko ang nangyari sakin this past weeks. (Tignan nyo, dahil sa pagod eh di ko namalayan na nilagyan na pala ako ng Paper Eyes ni Elmo and Pau. May araw din kayo sakin…)
(teka, naku! Lumalabo na naman mata ko… di ko na makita ang mga nakasulat sa friendster at kinilangan kong ilapit ang aking mga mata sa computer screen! what an eyesore!)
COMMRES Project
Maraming salamat sa aming propesor na si Sir Racidon Bernarte at pinayagan niya kaming mga bagsak sa subject niya na gumawa ng special project. (pic at the left - me and ate deng sa national lib. my favorite place library… Sarap mag-hang out dito.) At least, di ko na kailangan mag extend ng isa pang taon nang aking pagaaral sa PUP… (pero on the other hand, nalungkot ako, sayang… Gusto ko pa namang mag limang taon sa PUP. Ill try next time. Ibagsak ko kaya ang thesis?)
Anyway, ang aming project ay ang pagbili nang isang Photocopied book sa U.P. Masscomm at idonate ito either kay sir don (COC LIB) or kay maam borican (Research and Extension office yata.) So yun, we contributed 200 pesos para sa book (by partner ito, at ang aking partner ay si ever so playful Paula Isaiah)
SHORT FILM (Na di-matapos tapos)
(Teka lang, instead of hitting backspace eh laging print screen ang napipindot ko dito sa keyboard. AYAN, lagi nalang nagbubukas ang MS Paint! Ok. patawarin ang disoriented na keyboard.)
Sa mga nakakaalam ng mga aking ambitious ambition na maging isang Filmmaker eh ngayon ay gumagawa ako ng shortfilm tiltled TATLO(pic at the left), ewan ko ba bakit. Pero may jinx yata ako, di matapos tapos ang pelikulang ito. Tapos na naman ang 60% percent ng film. Haay, baka sa june ko na ito matapos…
Buti nalang andyan sila Angel, Paula Isaiah, Carla, Ate Lalaine, Mihan, Ralph, Ate Deng, etc.. Malapit na akong magbreakdown kung wala sila… Salamat!
Yun nga, di ko matapos tapos… Pero salamat kay Paula(the saving grace
of my career dahil kung wla ka di ko alam san ako pupulutin…) Si
Paula ang aking artista, musical scorer, singer, editor, assistant
director, music video director, casting director, content critic,
tagabigay ng idea, kakwentuhan, kausap tungkol sa mga kung ano anong
weird na bagay etc. basta… salamat!
Ang istorya ng TATLO ay tungkol sa 4 na magkakaibigan na nagkaroon ng time para magsabihan ng kanilang… Problems habang nasa isang sementeryo. Interconnected problems about the inequality happening in the world right now. May racial discrimination, Physical appearance, religion, etc… basta… kung sino may gusto ng copy ng script eh iemail ako at papadalhan ko.
TRIP TO THE GRAY METROPOLIS : MANILA
Yeah, ang tawag ko sa Manila ay "The Gray Metropolis" kasi everywhere you look, may shade of gray. Wala nang perfect Red, Green o Blue dito eh. Red becomes Grayish Red, Green becomes Grayish Green, Blue becomes Grayish Blue and White becomes… DIRTY WHITE! (Kala mo Grayish White no? hahahaha!)
Yun nga, nangyari yun after namin malaman kay ang aming project sa Comm Ress… Kasama ko
ang mga ever so adventurous Ate Deng at James. Nagkayayaan lang kung san pupunta after kay Sir don (di po bagsak si ate deng, kinuha lang ang classcards.) nagsuggest ako ang "Walk thru Hipodromo St. pero di sila pumayag… So sabi ko sa National Lib, boring naman daw, hanggang nagkayayaan sa Bahay ni Ate Deng, Sa Bahay ni James, QC Memorial Circle, Quiapo, PUP Main, hanggang nagsettle kami sa Arrocerros Nature Park sa
likuran ng Metropolitan Theatre. Then sumakay kami ng bus papuntang quiapo and to our surprise, SARADO ITO! (Pinapakuha pa kami ng permit galing sa kung ano mang govt office para
makapasok.) So, ayan, nagisip ng ways on how to enter there "illegally". Pero di namin nakaya. ayaw naming makulong. so naglakad lakad kami hanggang madaanan ang Metropolitan Theatre (Ang aking favorite structure sa Lawton) So, tinangka naming pumasok pero di daw pwede sabi ni manong guard. kaya nag picture taking nalang kami sa labas… hehehe…
After the tireless picture taking sa exteriors ng Met, nagkayayaan sa intramuros, pero dahil sa
napaka-gulo ko at manghang-mangha sa Maynila, pagkakita ko ng post office building eh nagyaya ako na pumunta dun (this time, feeling ko hinihila ko si Ate deng…sorry pu!) KOnting piktyur teking(si Ate Deng and James ang mga tao sa may founta at nagtuloy tuloy na kaming maglakad papuntang intramuros. So pagpasok namin sa nearest gate malapit sa letran, tuloy tuloy ang ligaya… haay… sarap ng feeling being immersed in the rich culture of Old Manila. Naglakad kami sa mga walls hanggang makarating sa Dead End. Bumaba kami ng walls at pumasok sa entrance malapit sa letran dorm.
Habang naglalakad, kumain sila ate Deng at James ng Gulaman at Banana Que na tawag ni Ate Deng ay Barbeque. (nawiwindang na naman si Ate Deng.) Ako gulaman lang ang sakin at
nakiki-hinghi nalang kay James at Ate Deng. So nag "Leisure" walk kami sa baba ng walls. Ang dami naming nakita, nakita namin ang mga Seafarers’ offices, letran, Lyceum, Sta. Isabelle College old Location(na nalaman ko na dito pala nag-elementary ang Lola ko), mga secret passages, at ang little europe st.(inimbento ko lang yan dahil mukhang europe naman talaga. the Ambiance, etc. Noong mga panahong iyon habang binabaybay namin ang Little Europe St. eh may nagdaan na isang heavily armored car (yung may dalang pera.) so si Ate deng, nagisip na nakawan daw namin yun. Sabi niya i hostage daw namin at kunyari may radyo-radio kami at tawagan naraw ang back up. yun. para kaming ewan. Tawa-kain-tawa-kain-tawa-tawa-mabilaukan-maubo-pagsisisi.
Hehe… Pero bago kami dumaan sa Little Europe St eh lumagi kami isang maliit na park or
memorial para sa mga taong namatay during world war II (pero ang memorial na iyon ay exclusive lang sa mga namatay sa intramuros… may pa-exclusive exclusive pa. Hay naku! Social leveling!) Syempre, proud ako,
namatay ang lolo ko sa intramuros kahit di siya lumaban at di siya sundalo. Hehe. Kasi dati dun sa intramuros nakatira ang pamilya ng Lola ko(lola ko na nanay ng mama ko) tapos nung nagkagiyera, lumikas ang mga babae ng pamilya sa pampanga para umiwas sa giyera at naiwan ang lolo ko dun sa bahay nila para bantayan ang tindahan or business nila noong time na iyon. Eh ang mga brutal na hapon, hinuli lahat ng mga tao sa intramuros at dinala sa Fort Santiago at nilunod sa mga dungeons dun.. hay… tragic…
Anyway… after that, pumunta kami sa walls malapit sa PLM dun
sa may malaking bilog bilog. Yun daw ang favorite spot ni Ate Deng. Akyat kami sa Walls at nahiga. Ako, habang nakikinig ng classical music ni Bach at yung french composer na anak daw ng mailman ay nakatulog ako habang si ate deng ay kuha ng kuha ng pictures. Im very happy about this place, dun ko lang nakita ng sky
without distractions.. Yung tipong tumingala ka para kang l
umilipad kasi wala kang makikitang buildings, puno etc. basta ang ganda.
Nagising ako mag-gagabi na at inabutan kami ng gwardya sibil at pinapaalis na kami dahil madilim na daw. haayyyy… Badtrip! nagplaplano pa naman kami na magdala ng tent nextime at
magsettle dun para maging kaunaunaghang "INTRAMUROS WALL DWELLER a.k.a. Wall Squatter. So bumaba kami at nadaanan ang PLM. So Si ate deng kwento bout PLM (What i like about ate Deng is her spontraneus story telling. Di napupunta kung saan saan at gumagamit siya ng mga exact words to describe her story na di katulad ex:
DOS’ Version:
Yung pusa, kulay yellow yun tapos tumawid sa kalye na bako bako tapos sa di kalayuan may sasakyan pero malayo palang yun tapos yung pusa tumakbo para makatawid pero ayun, yung pusa nasagasaan ng kotse na kulay puti na mukhang taxi. Ayun, namatay yung pusa.
ATE DENG’s Version:
Namatay yung pusa dahil nasagaan habang tumatawid sa kalye.
See! malaki matitipid ng mga radio stations pag kinuha nila si Ate Deng kasi shes a woman of short words. (not to be taken literally)
After that PLM story, tumawid kami papunta sa sakayan… Si Ate deng ang unang sumakay habang kami ni James ay nag-decide na maglakad papuntang Quiapo. Wow! kakaiba pala ang Gray Metropolis at night! ang daming lumilitaw na tae! aside from that, ibang iba talaga ang ambiance. basta… haay… so there, we walked for some 10 minutes. After that 10 minutes, umaakyat kami sa Colgantes Bridge na ngayon ay tinatawag na Quezon Bridge. Nagdecide kami na himinto sa gitna ng bridge at pagmasdan ang pasig river habang at the same time, enjoying the vibration of the bridge.
Hanggang ayun, time to go home… We boarded the jeepneys that would take us to our homes ang putting a large pause in our adventures. Haay.. One of the happiest experience ko ito sa buhay ko.
(pag kasama ko talaga si Ate Deng and James, marami kang matutunan. Ate deng and james, if you’re reading this, tsalamat. Sana maulit yung carriedo/quiapo/chinatown excapades natin… HEHEHE!
MUSIC VIDEO
Pagkagaling ko sa Cubao, friday night yun. Tumawag sakin si Kuya Mikel ng SCM(Student Christian Movement of the Philippines.) Guess what kung anong sinabi niya sakin?
Inofer nya sakin kung okay lang daw na gumawa ako ng music video ng Siakol.
HUWAT! (actually, ngayon ko lang narinig ang Siakol.) Syempre nabigla ako. Nung icheck ko ang website nang Siakol, award winning at puro platinum albums ang sa kanila! WOW! di kasi ako mahilig sa music eh… hehehehe… pero wow naman! Grab the opportunity! pero i need some help. Kung sino man ang nakakabasa nito ay nakarinig na ng mga kanta nila sa kanilang bagong album "Sa Kabilang Mundo" eh help me. Tatlo ang binigay na kanta samin (Syempre kasama ko ang aking pakner na si Paula) para gawan ng story boards. Kabilang Mundo, Basted at Teka Lang ang mga kanta. Kung may idea kayo na maganda para sa video, pls let me know. Desperado ako… HAAAY!
Tulung plis… hehehe… TSALAMAT IN ADBANS.
**********
So, so, so, (parang nagiging bastos na ha. STOP IT DOS!) Yan ang aking buhay. Ill try to post the pics soon. Damn you Fster! Bakit ba ayaw mong magpaupload ng pics eh di pa naman puno ang alotted space sakin? haay… Sige na po, matutulog na ako… ingat!
Natutuwa lang ako sa akingnasulat hehehe… ito ang aking comment sa blog entry ni paula(Pic nya nasa RIGHT) (Click Here to View her Blog) Basahin nyo muna blog nya na nakakaenhoy basahin para magkaidea kayo sa entry ko na comment ko sa kanya. heheh… Yun lang. Nakakashock kasi talaga. Parang di siya nagsulat noon. Kasi she use to be an english speaker…(Teka, mali yata… dapat ba she USED to be?) Nanalo nga siya ng award sa blog ko titled "ISLANGLISH AWARD" (CLICK HERE TO VIEW AWARD) Buti nalang walang bandwidth ang friendster blogs at pwede akong maglilink heheheh…. Injoy!
ETO NA…
Eto na talaga…
Sandali i pe-paste ko lang…
Sh**!!! Nagloloko ang paste! WAPAW! (Sabay hampas sa computer)
COMPUTER: Master, sorry for i have sinned, use me with all your might!
Ok… Eto na talaga…
* * *
ANNOUCEMENT OF WINNERS!
(Nadelay po ang posting ng winners dahil may mga ilang pagbabago sa winners. salamat po!)
Description of Award Names.
Islangish Award: Ang effortless na paggamit ng wikang Ingles sa kanilang mga blog.
Diversity Award: Pinakadiverse ang mga topics sa blog at relevant sa ating society.
Talking Blog Award: Ang blog na pag binasa mo’y parang nagsasalita dahil sa creative na pagsusulat.
Elipsis Award: Ang may pinakamahabang ……………….elipsis………….
Commento Award: Ang may pinakamaraming Comments sa kanilang blog.
Everyday Award: Makulay na pagkwekwento ng buhay-buhay sa pang araw-araw.
Fanatico Award: Pinakafanatiko sa lahat.
Grammar Award: Ang pinaka gramatikong blog.
Inspire Award: Nakakainspire…
Lyrics Award: Pinakamaraming lyrics sa kanilang blog.
Makulay Award: Pinakamakulay na blog.
Nationalista Award: Ang pag-gamit ng wikang Filipino sa blog.
Nobela Award: Pinakamahahabang posts.
Poetiko Award: The words of the mourning shadows with deep meanings na minsan di na maintindihan.
Potograpiya Award: Parang magasin ang dating.
Titolo Award: Pinakamagandang titolo na sumisimbolo sa kanilang blog.
Sandali Award: Maiksi. Na. Post.
AnimÉ Award: AnimÉ nga eh.
Nature Award: Pinakaenvironmentally Friendly na blog.
P.O.V. Award: Kakaibang Point-of-View.
Bagong Silang Award: Pinakabagong Blog sa aking Network.
T H E N O M I N E E S:
Commento Award:
Pam Miras
Carla Braceros
Talking Blog Award:
Catherine Nanta
Lee Pongyan
Sheree Mari Tagle
Islangish Award:
Roseller Delos Reyes
Paula Isaiah
Divine Grace Bongolan
Diversity Award:
Carla Briana Braceros
Sheree Mari Tagle
Pam Miras
Paula Isaiah Panganiban
Elipsis Award:
Jennifer Lahara
Darren Agaton
Kishawara Aberin
Sheree Mari Tagle
Everyday Award:
Virginia De Guzman
Divine Grace Bongolan
Darren Agaton
Catherine Nanta
Sheree Mari Tagle
Fanatico Award:
Josielyn Luna
Sheree Mari Tagle
Grammar Award:
Carla Braceros
Virginia De Guzman
Jennibeth Reforsado
Inspire Award:
Jerramie Jane Ollero
Jennibeth Reforsado
Lalaine Padilla
Lyrics Award:
Catherine Medes
Paula Veloso
Jerramie Jane Ollero
Makulay Award:
Emdee Gulmatico
Sheree Mari Tagle
Kim Briones
Nationalista Award:
Josielyn Luna
Lee Pongyan
Nobela Award:
Roseller Delos Reyes
Carla Braceros
Josielyn Luna
Poetiko Award:
JeR i
Kim Briones
Roseller Delos Reyes
Potograpiya Award:
Carla Braceros
Carlo Ocampo
Pam Miras
Titolo Award:
Sarah Ocampo "Perplexing Answers to who I am"
Josielyn Luna "Loud Whispers"
JeRi "my twistedly demented little world…"
Virginia De Guzman "Kerfuffles"
Rachel Gonzaga "m e T a m 0 r p h 0 s i s of my l i F e"
Sandali Award:
Sithli Mendoza
Tintin Pinca
Lean Oliva
Paula Veloso
AnimÉ Award:
Carlo Ocampo
Roseller Delos Reyes
T H E W I N N E R S :
(Pakiclick nalang ang Pic sa tabi para makita ang full size
na tropeo na maari nyong ilagay sa inyong blogs…)

Islangish Award:
Paula Isaiah Panganiban

Diversity Award:
Carla Briana Braceros
Talking Blog Award:
Sheree Mari Tagle
Elipsis Award:
Commento Award:
Pam Miras

Everyday Award:
Divine Grace

Fanatico Award:
Josielyn Luna

Grammar Award:
Carla Braceros

Inspire Award:
Jennibeth Reforsado

Lyrics Award:
Catherine Medes

Makulay Award:
Sheree Mari Tagle
Nationalista Award:
Josielyn Luna

Nobela Award
Carla Braceros
Poetiko Award:
JeRi

Potograpiya Award:
Carla Braceros
Titolo Award:
Josielyn Luna "Loud Whispers"

Sandali Award:
Sithli Mendoza

Anime Award:
Carlo Ocampo
Special Awards:

Nature Award:
Rachel Gonzaga

P.O.V. Award
Emdee Gulmatico

Bagong Silang Award:
Angelika Soto
Congratulations sa lahat ng mga nagwagi!
Nanalo kayo ng Mahiwagang Ginintuang Chocnut!
Hanggang sa susunod na PBA!(Pinilakang Blog Awards!)
dosflaAttack me? Well, totoo yun kasi for the nth straight time, kinakalaban ko ang aking sarili. Bakit? may gusto akong isulat na story para sa shortfilm eh hanggang ngayon di ko pa naisusulat dahil kinakalaban na naman ako ng LAZYNESS…
Walang mangyayari sakin kung lagi ako tamad. 
Dos, ako ang iyong consiensia. Kung wala kang gagawing creative eh hindi ka na rin makakagawa ng pinapangarap mong pelikula starring Dolphy. Baka mamatay na siya. Kawawa ka naman. Baka pulutin ka nalang sa kangkungan. Di bale tutulungan kita. Di ka makakatulog mamaya! Magsulat ka!
Punyemas!
Yan kasi. pinagalitan na ako tuloy ni DOSage… (Pangalan yan ng aking konsiyensiya) Rainbow help me! Pag kausap kita eh lagi akong nagiging creative… Hay, sana matupad ang pangarap kong maging isang ganap na Filmmaker.
Sabi ng ni Khavn, "The Sloth is the enemy of the Muse. Now, the filmmaker has ran out of excuses."
Good Luck Saken.
**********
Comments
Wow! Overwhelming ang response ng aking previous blog entry! Kakataba ng… Puso. FIVE COMMENTS! (pero ang dalawa akin.) hahaha! Marami palang nagmamahal sakin.. Sila Paula Panganiban(ang aking pakner and editor, creative partner), Kuya Mark Lester (The best photographer in the COC or should i say PUP community? hahaha!) and finally, si BOOMA! (one of the best ang blog niya. Hindi siya makasarili at piling audience lang ang makakaintindi sa mga writings niya. Magiging magaling na Magazine writer to balang araw. Itaga nyo yan sa bato! tignan nyo nalang ang link sa previous entry ko.)
Ang sarap ng may nagmamahal… Hay…
**********
Pinsan
Si Ate Tessie ang aking pinakamagandang pinsan ko at kamukha niya si Mikee Cojuanco(minus the horse). Hehehe. Naalala ko lang siya. Asa akin pa kasi yung CD niya Full House OST (marmi pong salamat sa CD. Pinasaya mo po ako at natanggal tuloy ang pangungulila ko sa aking asawang si Song Hye Kyo).
Ano kaya ang maari kong ibigay na "token of thankfulness"(o bago yan! ako nagimbento!) sa kanya? Kandila(na naman!) Photo Frame na may pic niya? Digicam(joke lang)? Ah alam ko na! Donkey! Para maging kamukha na talaga niya si Mikee.
Kung mababasa ito ni ate tess, may message ako sa iyo. =meron na akong dvds ng Symphaty for Lady Vengeance (Starring ang kabit ko, si Jang Geum) …ing, Too Beautiful to Lie, Innocent Steps… etc. kung gusto mo hiramin ng long term (2-3 months) sabihin mo lang sakin.. ok?
**********
One Liners
Tibak na ako together with Ka Anghel, Ka Buma, Ka Keya!(Activist po.)
Masarap talagang kausapin si Pennylane.
Maraming salamat Booma sa COMMENT na napakaganda.
Sana magsimula na ang project namin sa Mowel.
Binisita ni Papa si Ate, at sana ibigay na rin ni ate sakin yung DVD ng I Not Stupid.
Mahirap magsinungaling…
TILL THEN! Au revoir!
Its been a while since i updated my blog. Maraming reasons… Tinatamad, tinatamad, tinatamad… Wala naman kasing nagbabasa ng aking blog. Ni walang comments; si Booma lang yata ang nagbabasa nito. Gawin ko kayang personal? hehehe, masyado brutal. Think of a dog and a cat doing love scenes on the street.
Well, bagong taon, bagong format. (Hence the title "Repormat") New blog name, saka gagayahin ko ang high school journalism opinion format. May mga asterisks. (****) Di gaya ng dati na isang post, isang topic. Boring. Para naman maging diverse at maraming pagpipilian! "Suki! Bili na!" Also, taglish na. May nagsabi kasi sakin bat di english, di ko na sasabihin kung sino. Sagot ko sa kanya:
" We are in a democratic country…"
Taglish, para naman medyo may touch ng ka-coñohan. Para naman ma "touch" sila at makaatract ako ng class A crowd. Ok?
**********
Film School.
May nagtanong sa akin bat daw hindi Film ang kinukuha ko eh dun ako nakalinya. Para sakin, film is an art and art cant be learned in a classroom. Saka gusto ko matuto base sa aking experiences. I realized na kapag nasa classroom ako at may klase na kahit interesado ako sa subject eh di ako natututo kasi ayokong naka confine sa isang kahon na puno ng upuan at chalk. Gusto ko nasa field! Konting hirap, konting tiyaga, may ginhawa. Wong Kar-Wai never attended film school pero napakagaling niya. Diba? Saka, i can create my own style!
**********
Pirated Korean DVDs
Sige, nawala ang pagiging nationalistic ko dahil inuuna ko muna ang Korean movies kesa sa sariling atin. Kasalanan ko ba na napakagagaling nila? Hay… Anyway, P70.00 ang bili ko sa bawat isa. Pirated, yes… Pero di ako guilty kasi wala tayong access sa mga orig korean DVDs diba? Current favorite ko, "…ing" and "Sympathy for Lady Vengeance"
**********
Updates sa aking BUHAY…
Nakasulat ako ng isang short story na ultra violent ang treatment. First time for me whos just starting to write. Sabi nila na maganda raw at malalim. "Malalim". Wow! The word im longing for… Buti naman may lalim na. After 3 unsuccessful shortfilms na mabababaw at pure entertainment value lang ang hanap, finally… Haay… Salamat!
Bago kong asawa si Jang Geum. Polygamous po kasi ako… tatlo na sila. Si Mhean, si Song Hye Kyo at si Jang Geum. haay… Buhay nga naman…
**********
One Liners.
Masarap ka kwenuhan si Pennylane, para kang may kausap kakambal mo.
Nangangagat pala ang buntis na aso ng mga tao.
Di na masarap ang Unlimited Lugaw.
Nanalo ang Blue Moon sa MMFF!
INDIE LIVES ON!
K? Masaya ka na? o di pa? visit mo tong site na to… (Klik Hir!)
PAU! Kaw ba talaga yan? Kung ikaw nga, CONGRATS! LUMABASNA ANG TOTOONG IKAW! FINALLY! Oh! Diba? hahaha! Pau, naku sobra,
parang emotional rolercoaster ang pinagdaanan ko sa pagbabasa ng blog
mo. Natatamaan ako nung una, akala ko galit ka sakin? (DI NGA?) pero
wow! super! kaganda ire ng gitna! di naman ako nasusuyahan at sobrang
natutuwa dahil sa paga-aknowledge mo sakin kundi YAN ANG
PINAKAMAGANDANG BLOG ENTRY NA NABASA KO! SHET! GANDA PAU! GALING! sobra
pau… CONGRATULATIONS! MABUHAY ANG MGA TIBAK! YAHOO!!!
Pau, grabe! ganda! yung sinabi mo na "Masarap ang pakiramdam na
sumakay ng jeep at hayaang magulo ang buhok dahil sa hangin habang
pinipikit ang mga mata." yan ang the best line na nabasa ko sa
lahaaaaaaaaaaaat ng blogs… as in LAHAT! PAU! YOU ARE THE BEST! GRABE!
GUSTO MO GAWIN NATING FILM YAN, parang a person living in this highly
socialized and techno freakin world na walang pakialam then suddenly
nagising siya sa katotohanan na may mga taong nabubuhay sa halaganag
P9.50 kada araw sa Hacienda Luisita, na ang P300.00 ay kayang kitain ng
isang ordinaryong manggagawa sa span of 30mins lang, na ang PILIPINAS
ay isang Agrikulturang bansa at ang ating gobyerno ay walang ginagawa
upang tulungan sila, na maraming tao, as in MARAMING TAO na ang akala
na ang pag-pipiket (RALLY or WELGA para sa mga di nakakaalam) ay isang
masamang gawain, na sinasabi nila na ito raw ay isang bayolenteng
gawain at wala naman daw MAGAGAWA? HOY GUMISING KAYO! KUNG WALANG
MAGSISIMULA, WALANG GAGAWA! MGA *^%&^I$%O(^O(% nyo! hehehhe joke
lang… nakakainis lang talaga. sabihan ka ba naman na "Huy, wag ka
sasali dyan sa mga aktibista. yun ba tawag dun? Masama yan." at "wala
ring matutulong yan"… B*BO! Ka ba? Ikaw ang walang ginagawa, araw
araw eh manghihingi ng baon sa iyong mga magulang na hirap na hirap sa
pagtratrabaho at anong gagawin mo sa pera mo? Di ka naman mag-aaral?
Ako, sige di ako nagaaral masyado dahil inaamin ko at alam ng magulang
ko na tamad talaga ako mag-aral bata pa lang ako. Pero iba ang
pinapakita ko sa kanila, pinapakita ko na interesado ako sa isang bagay
na makakabuti sakin sa kinabukasan at sa bayan at hindi lang GRADES ang
mahalaga sakin at ang mga EXAM ay dapat may APPLICATION dahil exam ,
its all about memorization… Pinapakita ko rin sa kanila na di ako nagtatapon ng mga basura kung
saan saan, inuuna ko munang bumili ng sariling atin, TUMATAYO AKO AT
ISINASAPUSO ang ating national anthem at Tumutulong ako sa bayan kahit
di pansin. Naiinis lang talaga ako… Buti nalang hindi taga BJ yung
nagsabi nun. haaay… Nakakainis lang talaga. YUN LANG… Pau, salamat
sa pinost mo. sobra. kala mo nagtatatalon ako dito sa aming bahay.
sobra! Kung di nyo maintidihan ang post ni pau, DI KAYO PILIPINO! Pau,
promise, youre gonna be a great writer.. ala Lualhati Bautista? heheheh
Feminist? hahaha!@ joke lang… alam ko naman na basta!… Sikreto…
hhahahahaha! Pau… ano ba yan? di na matigil ang pagsusulat ko…
nakakainis! Ang dami ko pang gustong isulat pero di na kasya.. sobra!
kakatuwa! sige na nga aalis na ako sa iyong blog at baka mabasa ko pa
uli eh bigla akong mag single mob sa mendiola! IBAGSAK ANG
IMPERYALISTANG BANSA! Alam nyo naman siguro kung ano yun… hehe! Ingat
pau! By the way. Crush mo talaga si SEGUNDINA no? (he’s a he) k?
hahaha! kabisado pati ang detail! pau sobra bilib ako sayo… ibang
klase ka magkacrush! sana ako nalang! INGAT! PAG AKO PUMAYAT….
* * *

<<<Eto ang Crush Nya… si SEGUNDINA, Segundina, SEGUNDINA, segundina!!!
HEHEHE… kung gusto nyo malaman ang ibig sabihin ng
"PETI-BOURGEOIS"
Tanong nyo sa kanya… K?